Huwebes, Agosto 30, 2012

Ang HIPON

Alam nyo kung ano yan? oo sea food yan. sa english shrimp sa tagalog naman "hipon" yan.
Bakit ko ba naopen tong HIPON na to? naalala nyo dun sa naunang parapo? may nagpabago sa kahiligan ng sikmura ko? oo! IYAN ang dahilan!
ganito kasi un... .

nung bata pa ako, grade 3 ata ako nun, mahilig akong magbasketball at sobrang hilig ko din uminom ng milo. kaya kong maka 10 glass ng MILO sa loob ng isang araw, ang dami no?
at isang araw, habang tirik na tirik ang araw.. . hayun! may bata dun sa labas na namumula o nangingitim na hindi mo na maipaliwanag ang kulay nya dahil sa kakabilad sa araw upang makapaglaro lang ng basketball.
syempre ako ung bata na un. hehe. at pagkatapos kong maglaro sa labas, umuwi ako sa bahay namin ng uhaw na uhaw. may nakita akong isang baso na ang nasa isip ko ay milo ang nasa loob dahil narin sa kulay nito. kaya dali dali kong ininom ang nsa baso na iyon! nilagok ko! dahil sa aking pagkauhaw. at hindi pa dumadapo sa aking sikmura ang aking ininom ay nakadama na ako ng pagbaliktad ng aking tiyan, sabay sigaw ng mga tao sa aming bahay na na HUWAG!!!!! bigla kong nabitawan ang baso at sumuka ako ng sumuka! alam nyo ba kung bakit?! dahil ang nainom ko ay pinaghugasan pla ng shrimp o hipon na nilagay ng tatay ko sa baso!
ang sarap diba?!
kaya simula noon ay hindi na ako kumakain ng hipon! dahil sa tuwing titikim ako ng hipon ay naaalala ko ang panahon na ininom ko pla ung karumal dumal na lasang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko!


itutuloy... .

ano taste mo?

Mahilig ka bang kumain?

Maraming hilig kainin ang mga tao at depende yun sa nationalidad mo. Dito sa kinatitirikan ng paa ko, kanin o "rice" ang hilig kainin ng mga tao. kanya kanya din ng taste sa drinks, may coke, pop cola, royal, ice tea at kung mejo kapos ka merong  RC para sayo 15 pesos lang isang litro na..
nga pla, mahilig din akong uminom ng "MILO" kesa kape, milo tlga gusto ko. masarap eh. ngunit isang araw.. .
ang kahiligan kong uminom ng MILO ang siya ring nagpabago sa sikmura ko!

                 kwento ko sainyo... .



Miyerkules, Agosto 29, 2012

Sino Ba Ako?

ANG PASIMULA

Upang pasimulan ang aking istorya, dapat ko munang ipaalam sainyo kung sino ako...  .
ako ay isinilang ng aking INA, MALAMANG!
ang pangalan ko ay "DUDOY".
kung titingnan nyo sa larawan sa ibaba iyan ako noong ako ay bata pa. CUTE dba? pogi cguro yan paglaki nya. haha. nga pla ikkwento ko sainyo ang mga kaganapan ngayon sa t.v, anime, kapitbahay nyo, tita mo sa abroad at marami pang kalukohan na nagaganap sa mundo... .  so READ IT!!!!


itutuloy... . .