Lunes, Setyembre 10, 2012

transportasyon ng Pinoy.

     Napakahalaga sa atin ang transportasyon, dahil napabibilis nito ang oras ng ating pagbyahe mapabus man, taxi, tricy, fx o ang mas kilalang JEEPNEY.
      Pagkumaway ka hihinto ang driver ng jeep kya madali lang makasakay. may pilahan din ng jeep at ang palaging senaryo dito ay paunahang umupo sa dulong bahagi ng jeep. alam nyo naman siguro kung bakit? kapag napaupo ka kasi malapit sa driver o sa likuran nito, lahat na ng bayad ay aaabutin mo. para bang obligasyon munang mag-abot ng bayad. at walang ligtas dito kahit manager kpa ng kumpanya, nakapagtapos ng mahabang kurso sa isang private school o kahit ikaw ay ventor at ordinaryong mamamayan lamang.
     Ang isa pang senaryo dito ay ung nahihirapan knang umupo dahil sa siksikan na at puno na ng pasahero ang jeep, dagdagan pa ng katabi mo na may dalang pulusyon sa hangin galing sa kilili nya, tapos biglang sasabihin ng driver ng jeepney na --  OH!! APAT PA! APAT PA! AALIS NA! saklap diba? pero aminin man natin o sa hindi malaki ang natitipid natin dahil sa jeep na yan lalo na kung ikaw ay disable, senior, studyante o elepante. isipin mo nalang, pano kya kung singilin ng driver ung space ng inuupuan mo? o kaya singilin ng driver ung oras na ginugol mo sa pagsakay at pagbaba ng jeep? sayang din yun diba?
     Pero may mga bagay ako na gustong mabago. halimbawa, kung ikaw ay napaupo sa likurang bahagi ng driver tapos may nagbayad. iwasan sana natin ung tipong patay malisya na para bang wlang nag-aabot ng bayad. at para naman sa mga nagbabayad mas maganda rin kung lagyan natin ng konting sweet. tulad nito:  Bayad po, makikisuyo. Salamat! sarap pakinggan diba? and one more thing. kung ikaw ay malakas pa at  batang-bata pa, kapag may nakita kang matanda na halos manginig na ang braso sa kahinaan, eh baka pwede namang umusog kayo, konting kembot para makaupo agad ung matanda. Isipin lang lagi natin, na sa araw araw na ginagawa natin ay dapat mayroon tayong pagpapahalaga sa kapwa at bigyan sila ng konti smile.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento