Maraming paraan ng pagtatanong gamit ang mga salitang.. . ANO? SAAN? KAILAN? BAKIT? PAANO? maaari ka ding magtanong kahit wla ang mga salita na nakacapslock.
May bigla tuloy akong naalala.. .
Isang gabi, papunta kami ng aking mga kaibigan sa isang party. inabutan kami ng malakas na ulan sa daan, good thing lahat kami may payong. Habang kami ay naglalakad sa gitna ng malakas na ulan, biglang nagsalita ang isa sa aking mga kaibigan, itago nalang natin sya sa pangalang "eugene". Sabi nya.. . . "basa na ang sapatos ko, bro basa na ba ung sapatos mo?" TAMA BA YUN? ang lakas-lakas ng ulan tapos biglang ganun ang tanong, :)) kayo na humusga.
Isa pang pangyayari, noong galing kmi sa lamay ng mga kaibigan ko. Lumabas kami ng sementeryo para bumili ng pagkain, nag-order ang karamihan ng footlong. Ngunit ang isa sa aking mga kasama ay napapaisip ng kanyang kakainin, itago nalang natin sya sa pangalang "louie mejia". Sa kalagitnaan ng aming pagnguya bigla syang nagtanong ng .. .. . . . "Gaano ba kahaba ung footlong?" TAMA BA YUN? :)) siguro footlong nya maiksi. kayo na humusga.
May mga bagay sa ating isipan na kung minsan ay bigla nalang nating nabibigkas. Kaya para hindi tayo pagtawanan ng mga tao, eh ayusin mo ang buhay mo! magtanong ka ng maayos. Pero kung gusto mo talagang pagtawanan ka ng mga tao, ituloy mo lang yan, bahala ka, trip mo yan eh.. .
IKAW?? PAANO KA BA MAGTANONG??

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento