Huwebes, Oktubre 11, 2012

Isa ka bang taong mady?

   "MADY" parang pangalan ng babae noh? pero alam nyo ba na maaari ding ibansag yan sa lalaki? gusto mo malaman kung pano? ganito yan, kailangan muna nating malaman ang sagot sa mga tanong na.... . . .

ANO NGA BA ANG TAONG MADY? SINO BA SILA? at SAAN SILA NAGMULA?

   Ang ilan sa mga halimbawa ng taong "mady" ay ito:




Oo, yan ang ilan sa kanila. Pero baka itanong mo ang ganto ""ano namang kakaiba sa kanila? "ano ba talaga ang taong Mady?""
Ang mga taong mandy ay ganyan. yan na un. Sila ang mga taong "MADY"kit TULOG. Sila ung may madikitan lang, kaagad ng makakatulog. Makakakita ka rin niyan sa mga pampasaherong jeep. Ang ilan pa sa kanila ay tumutulo ang laway pataas, pababa at minsan ay bumabayubay pa nga.. ewww! Ingat ka ah. baka matalsikan ka.

Pero may nagsabi sa akin na ang ilan sa mga taong mandy ay masisipag. Dahil ang ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa gabi ngaunit pinipilit gumising sa umaga para may magawa pang iba, tulad ng mga tao sa larawan mukang masisipag diba? hehe. PERO ang sinabi ko kanina ay "ang ilan sa kanila" kaya hindi lahat ay masisipag. Merong talagang tulog ng tulog lang. tindi noh? kaya kung maghahanap ka ng mga taong mady makikita mo sila kahit saan. Pakalat kalat lang, dahil nagmula din sila sa sinapupunan ng kanilang mga ina dahil mga normal na tao din naman sila. baka nga isa ka sa kanila? di kaya?

Ano mang klase ka ng tao, masipag ka man o tamad. kailangan mong suriin ang sarili mo. maaari mong itanong ito: Kailangan ko bang gumawa ng mga pagbabago? kung masipag ka tulad ko, baka kailangan mong i-saayos ang schedule mo para makapagpahinga ka ng maayos at hindi ka makita sa lansangan o sa mga pangpublikong sasakyan na humiliik ang tiyan mo. ganoon din kung ikaw ay tamad, gumawa ka ng adjustment sa buhay mo, bawasan mo ng konti ang tulog mo at maghanap ka ng trabaho para hindi maghirap ang pamilya mo. Dahil kapag ginawa mo yan, oo ikaw! magiging masaya ang mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento