Paano naaapektuhan nito ang buhay mo?
Ano ang trip mong kanta? Rock? ballad? love songs? rap? madaming pagpipilian diba?
Oo, ano man ang tipo ng kanta ang gusto mo, ang mahalaga "nag-eenjoy " ka dito! Pero minsan ba natanong mo na kung ano ang epekto sayo ng MUSIKA?
Kung trip mo ang love songs, panigurado madalas kang tulala. tama diba? kapag gabi madalas kang magsabi ng "HELLO PAPA JACK?" pano naman kung trip mo ay rock? siguro madalas kang mag-ayos ng buhok, magsuot ng itim na damit at maglagay ng uling sa mata. Eh kung rap kaya? paltik ng paltik siguro yang kamay mo at basang basa naman ng laway ang palad ng kasama mo sabay pahid sa mahahabang damit na kala mo ay daster ng nanay nya at with jeje cap pa!
Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, txt mo ako, sasamahan kita at ipapakita ko sayo. Madalas mong makikita ang mga taong yan sa mga park. doon ka makakakita ng iba't ibang uri ng tao. Try mong tumingin sa kanan may makikita kang solong nakatingala na nakatulala pero kapag nangawit yun tumutungo rin naman. Kapag tumingin ka naman sa kaliwa at napagkamalan mong may patay dahil sa mga itim na damit, parigurado ROCKERS yan DUDE! ROCK n ROLL! kapag tumingin ka naman sa harapan at may mahahabang damit naman, mga RAPER yan!
Kitang kita ang epekto satin ng kanta diba? sa pananamit at pagawi makikita muna. Ngunit, ano ka man at saan ka man jan mahalaga enjoy ka jan.!.
Pero, dapat din sa pag-eenjoy mo ay wala kang madadamay na pwedeng ikasira ng anumang bagay. Tulad ng electric fan, ingatan mo yan kasi magsusummer nanaman. hindi joke lang. Komidyan? parang di naman.:D what i mean is... . . . wala kang masasaktan o mapeperwisyo na ibang tao. Para maging RELAXING at hindi pagmumulan ng BOXING ang MUSIC!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento