Sabado, Nobyembre 10, 2012

LUZON


Isa ang pilipinas sa nabiyayaan ng magagagandang lugar sa mundo. Ayon sa ulat mayroon tayong 7,107 na isla at karamihan sa mga isla na ito ay may magagandang beach. Kung pamilyar kayo sa Boracay ng Visayas, dito sa Luzon mayroon namang tinatawag na "boracay of the north". ito ay ang Saud Beach sa pagudpud, Ilocos Norte. 

Relaxing ang lugar na ito at masasaya at sobrang mababait ang mga tao na nakatira dito at hindi sya crowded, hindi ito ung tipong maraming tao.
kaya bawal ang KJ mga EMO pwede. kasi magiging senti ang mood mo kapag nagpunta ka dito. 



Next: Visayas

Huwebes, Oktubre 11, 2012

Isa ka bang taong mady?

   "MADY" parang pangalan ng babae noh? pero alam nyo ba na maaari ding ibansag yan sa lalaki? gusto mo malaman kung pano? ganito yan, kailangan muna nating malaman ang sagot sa mga tanong na.... . . .

ANO NGA BA ANG TAONG MADY? SINO BA SILA? at SAAN SILA NAGMULA?

   Ang ilan sa mga halimbawa ng taong "mady" ay ito:




Oo, yan ang ilan sa kanila. Pero baka itanong mo ang ganto ""ano namang kakaiba sa kanila? "ano ba talaga ang taong Mady?""
Ang mga taong mandy ay ganyan. yan na un. Sila ang mga taong "MADY"kit TULOG. Sila ung may madikitan lang, kaagad ng makakatulog. Makakakita ka rin niyan sa mga pampasaherong jeep. Ang ilan pa sa kanila ay tumutulo ang laway pataas, pababa at minsan ay bumabayubay pa nga.. ewww! Ingat ka ah. baka matalsikan ka.

Pero may nagsabi sa akin na ang ilan sa mga taong mandy ay masisipag. Dahil ang ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa gabi ngaunit pinipilit gumising sa umaga para may magawa pang iba, tulad ng mga tao sa larawan mukang masisipag diba? hehe. PERO ang sinabi ko kanina ay "ang ilan sa kanila" kaya hindi lahat ay masisipag. Merong talagang tulog ng tulog lang. tindi noh? kaya kung maghahanap ka ng mga taong mady makikita mo sila kahit saan. Pakalat kalat lang, dahil nagmula din sila sa sinapupunan ng kanilang mga ina dahil mga normal na tao din naman sila. baka nga isa ka sa kanila? di kaya?

Ano mang klase ka ng tao, masipag ka man o tamad. kailangan mong suriin ang sarili mo. maaari mong itanong ito: Kailangan ko bang gumawa ng mga pagbabago? kung masipag ka tulad ko, baka kailangan mong i-saayos ang schedule mo para makapagpahinga ka ng maayos at hindi ka makita sa lansangan o sa mga pangpublikong sasakyan na humiliik ang tiyan mo. ganoon din kung ikaw ay tamad, gumawa ka ng adjustment sa buhay mo, bawasan mo ng konti ang tulog mo at maghanap ka ng trabaho para hindi maghirap ang pamilya mo. Dahil kapag ginawa mo yan, oo ikaw! magiging masaya ang mundo.

THE POWER OF MUSIC

Paano naaapektuhan nito ang buhay mo?
   Ano ang trip mong kanta? Rock? ballad? love songs? rap? madaming pagpipilian diba?
Oo, ano man ang tipo ng kanta ang gusto mo, ang mahalaga "nag-eenjoy " ka dito! Pero minsan ba natanong mo na kung ano ang epekto sayo ng MUSIKA? 

   Kung trip mo ang love songs, panigurado madalas kang tulala. tama diba? kapag gabi madalas kang magsabi ng "HELLO PAPA JACK?" pano naman kung trip mo ay rock? siguro madalas kang mag-ayos ng buhok, magsuot ng itim na damit at maglagay ng uling sa mata. Eh kung rap kaya? paltik ng paltik siguro yang kamay mo at basang basa naman ng laway ang palad ng kasama mo sabay pahid sa mahahabang damit na kala mo ay daster ng nanay nya at with jeje cap pa!

Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, txt mo ako, sasamahan kita at ipapakita ko sayo. Madalas mong makikita ang mga taong yan sa mga park. doon ka makakakita ng iba't ibang uri ng tao. Try mong tumingin sa kanan may makikita kang solong nakatingala na nakatulala pero kapag nangawit yun tumutungo rin naman. Kapag tumingin ka naman sa kaliwa at napagkamalan mong may patay dahil sa mga itim na damit, parigurado ROCKERS yan DUDE! ROCK n ROLL! kapag tumingin ka naman sa harapan at may mahahabang damit naman, mga RAPER yan!

Kitang kita ang epekto satin ng kanta diba? sa pananamit at pagawi makikita muna. Ngunit, ano ka man at saan ka man jan mahalaga enjoy ka jan.!.
Pero, dapat din sa pag-eenjoy mo ay wala kang madadamay na pwedeng ikasira ng anumang bagay. Tulad ng electric fan, ingatan mo yan kasi magsusummer nanaman. hindi joke lang. Komidyan? parang di naman.:D what i mean is... . .     . wala kang masasaktan o mapeperwisyo na ibang tao. Para maging RELAXING at hindi pagmumulan ng BOXING ang MUSIC! 


Sabado, Setyembre 22, 2012

Paano ka ba magtanong?

 Maraming paraan ng pagtatanong gamit ang mga salitang.. . ANO? SAAN? KAILAN? BAKIT? PAANO? maaari ka ding magtanong kahit wla ang mga salita na nakacapslock.
May bigla tuloy akong naalala.. .

Isang gabi, papunta kami ng aking mga kaibigan sa  isang party. inabutan kami ng malakas na ulan sa daan, good thing lahat kami may payong. Habang kami ay naglalakad sa gitna ng malakas na ulan, biglang nagsalita ang isa sa aking mga kaibigan, itago nalang natin sya sa pangalang "eugene". Sabi nya.. . . "basa na ang sapatos ko, bro basa na ba ung sapatos mo?" TAMA BA YUN? ang lakas-lakas ng ulan tapos biglang ganun ang tanong, :)) kayo na humusga.

Isa pang pangyayari, noong galing kmi sa lamay ng mga kaibigan ko. Lumabas kami ng sementeryo para bumili ng pagkain, nag-order ang karamihan ng footlong. Ngunit ang isa sa aking mga kasama ay napapaisip ng kanyang kakainin, itago nalang natin sya sa pangalang "louie mejia". Sa kalagitnaan ng aming pagnguya bigla syang nagtanong ng .. .. . .   . "Gaano ba kahaba ung footlong?" TAMA BA YUN? :)) siguro footlong nya maiksi. kayo na humusga.

May mga bagay sa ating isipan na kung minsan ay bigla nalang nating nabibigkas. Kaya para hindi tayo pagtawanan ng mga tao, eh ayusin mo ang buhay mo! magtanong ka ng maayos. Pero kung gusto mo talagang pagtawanan ka ng mga tao, ituloy mo lang yan, bahala ka, trip mo yan eh.. .

IKAW?? PAANO KA BA MAGTANONG??

Lunes, Setyembre 10, 2012

transportasyon ng Pinoy.

     Napakahalaga sa atin ang transportasyon, dahil napabibilis nito ang oras ng ating pagbyahe mapabus man, taxi, tricy, fx o ang mas kilalang JEEPNEY.
      Pagkumaway ka hihinto ang driver ng jeep kya madali lang makasakay. may pilahan din ng jeep at ang palaging senaryo dito ay paunahang umupo sa dulong bahagi ng jeep. alam nyo naman siguro kung bakit? kapag napaupo ka kasi malapit sa driver o sa likuran nito, lahat na ng bayad ay aaabutin mo. para bang obligasyon munang mag-abot ng bayad. at walang ligtas dito kahit manager kpa ng kumpanya, nakapagtapos ng mahabang kurso sa isang private school o kahit ikaw ay ventor at ordinaryong mamamayan lamang.
     Ang isa pang senaryo dito ay ung nahihirapan knang umupo dahil sa siksikan na at puno na ng pasahero ang jeep, dagdagan pa ng katabi mo na may dalang pulusyon sa hangin galing sa kilili nya, tapos biglang sasabihin ng driver ng jeepney na --  OH!! APAT PA! APAT PA! AALIS NA! saklap diba? pero aminin man natin o sa hindi malaki ang natitipid natin dahil sa jeep na yan lalo na kung ikaw ay disable, senior, studyante o elepante. isipin mo nalang, pano kya kung singilin ng driver ung space ng inuupuan mo? o kaya singilin ng driver ung oras na ginugol mo sa pagsakay at pagbaba ng jeep? sayang din yun diba?
     Pero may mga bagay ako na gustong mabago. halimbawa, kung ikaw ay napaupo sa likurang bahagi ng driver tapos may nagbayad. iwasan sana natin ung tipong patay malisya na para bang wlang nag-aabot ng bayad. at para naman sa mga nagbabayad mas maganda rin kung lagyan natin ng konting sweet. tulad nito:  Bayad po, makikisuyo. Salamat! sarap pakinggan diba? and one more thing. kung ikaw ay malakas pa at  batang-bata pa, kapag may nakita kang matanda na halos manginig na ang braso sa kahinaan, eh baka pwede namang umusog kayo, konting kembot para makaupo agad ung matanda. Isipin lang lagi natin, na sa araw araw na ginagawa natin ay dapat mayroon tayong pagpapahalaga sa kapwa at bigyan sila ng konti smile.

Linggo, Setyembre 9, 2012

bakit kaba bumabangon?

OK! Tapusin na natin yang pagkain na yan.

kita mo yang malaking picture????
sabi sa commercial ----
bakit kba bumabangon??
malamang siguro dahil nagising kna, sobra kna sa tulog, tulog kna lang ng tulog, ginising ka ng nanay mo, maingay aso nyo, tumunog alarm mo, humilab sikmura mo, umiyak baby mo. maraming dahilan diba? kanya kanya tayo ng dahilan kung bakit tayo gumigising sa umaga at ung iba sa gabi gising nila malamang call center sila. Ako bumabangon ako dahil yero bubong namin. mainit kpg alas otso na, so no choice babangon kna tlga. saklap dba? pero may maganda namang mangyayari araw araw. txt mo agad si crush mo, GOODMORNING! tapos reply naman sya gudmorning din! ayun na! kya naghihirap pinoy eh! puro ganyan. kpag nabusted magloloko sa work or school. hanggang matanggal sa work o bumagsak sa mga subject. hirap dba? kaso gnun tlga eh. kung pwede nga lang maging totoo ung kanta ni Janno Gibs-- "Sana dalawa ang puso ko" kaso hindi pwede eh. kya kapag gigising ka sa umaga think positive! be happy. kahit nabusted ka at umiiyak ka, smile padin. ung makakakita sau magsmile din. kala nila tears of joy o pwede ding pagkamalan kang baliw. nakapagpasaya kpa ng tao diba? pero kaw na bahala, buhay mo yan eh.
pero tatanungin padin kita, BAKIT KA BA BUMABANGON?

Huwebes, Agosto 30, 2012

Ang HIPON

Alam nyo kung ano yan? oo sea food yan. sa english shrimp sa tagalog naman "hipon" yan.
Bakit ko ba naopen tong HIPON na to? naalala nyo dun sa naunang parapo? may nagpabago sa kahiligan ng sikmura ko? oo! IYAN ang dahilan!
ganito kasi un... .

nung bata pa ako, grade 3 ata ako nun, mahilig akong magbasketball at sobrang hilig ko din uminom ng milo. kaya kong maka 10 glass ng MILO sa loob ng isang araw, ang dami no?
at isang araw, habang tirik na tirik ang araw.. . hayun! may bata dun sa labas na namumula o nangingitim na hindi mo na maipaliwanag ang kulay nya dahil sa kakabilad sa araw upang makapaglaro lang ng basketball.
syempre ako ung bata na un. hehe. at pagkatapos kong maglaro sa labas, umuwi ako sa bahay namin ng uhaw na uhaw. may nakita akong isang baso na ang nasa isip ko ay milo ang nasa loob dahil narin sa kulay nito. kaya dali dali kong ininom ang nsa baso na iyon! nilagok ko! dahil sa aking pagkauhaw. at hindi pa dumadapo sa aking sikmura ang aking ininom ay nakadama na ako ng pagbaliktad ng aking tiyan, sabay sigaw ng mga tao sa aming bahay na na HUWAG!!!!! bigla kong nabitawan ang baso at sumuka ako ng sumuka! alam nyo ba kung bakit?! dahil ang nainom ko ay pinaghugasan pla ng shrimp o hipon na nilagay ng tatay ko sa baso!
ang sarap diba?!
kaya simula noon ay hindi na ako kumakain ng hipon! dahil sa tuwing titikim ako ng hipon ay naaalala ko ang panahon na ininom ko pla ung karumal dumal na lasang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko!


itutuloy... .

ano taste mo?

Mahilig ka bang kumain?

Maraming hilig kainin ang mga tao at depende yun sa nationalidad mo. Dito sa kinatitirikan ng paa ko, kanin o "rice" ang hilig kainin ng mga tao. kanya kanya din ng taste sa drinks, may coke, pop cola, royal, ice tea at kung mejo kapos ka merong  RC para sayo 15 pesos lang isang litro na..
nga pla, mahilig din akong uminom ng "MILO" kesa kape, milo tlga gusto ko. masarap eh. ngunit isang araw.. .
ang kahiligan kong uminom ng MILO ang siya ring nagpabago sa sikmura ko!

                 kwento ko sainyo... .



Miyerkules, Agosto 29, 2012

Sino Ba Ako?

ANG PASIMULA

Upang pasimulan ang aking istorya, dapat ko munang ipaalam sainyo kung sino ako...  .
ako ay isinilang ng aking INA, MALAMANG!
ang pangalan ko ay "DUDOY".
kung titingnan nyo sa larawan sa ibaba iyan ako noong ako ay bata pa. CUTE dba? pogi cguro yan paglaki nya. haha. nga pla ikkwento ko sainyo ang mga kaganapan ngayon sa t.v, anime, kapitbahay nyo, tita mo sa abroad at marami pang kalukohan na nagaganap sa mundo... .  so READ IT!!!!


itutuloy... . .